COVID papatag nitong Sept

Makalipas ang halos anim na buwang community quarantine, inihayag ng grupo ng researcher mula sa University of the Philippines na tagumpay ang bansa sa pag-flatten ng COVID-19 curve.

The post COVID papatag nitong Sept first appeared on Abante.

covid papatag nitong sept - COVID papatag nitong Sept
COVID 2 - COVID papatag nitong Sept

Makalipas ang halos anim na buwang community quarantine, inihayag ng grupo ng researcher mula sa University of the Philippines na tagumpay ang bansa sa pag-flatten ng COVID-19 curve.

Ayon kay UP professor at OCTA Research Team member Guido David, bumagsak na ang transmission rate ng new coronavirus kaya masasabing nakokontrol na ng bansa ang pagkalat ng COVID-19.

“Actually na-flatten na siya. So nagde-decrease pa siya and that is very good news. Ibig sabihin, nasu-sustain natin ‘yung flattening of the curve,” saad ni David sa panayam sa CNN.

Ngunit nagbabala ang eksperto na bagama’t nabawasan na ang hawaan sa virus ay pwede pa rin itong biglang umarangkada at muling magkaroon ng surge sa kahit anong panahon.

“We would like to remind people not to be overly excited dito sa flattening of the curve. Yes, we’re seeing it pero the trends are not irreversible… Ibig sabihin we could have another surge,” giit pa ng propesor.

Dagdag pa nito, kahit na-flatten na ang COVID-19 curve ay hindi nangangahulugan na puwede nang luwagan ang quarantine protocol sa bansa, lalo na sa Metro Manila na tinuturing na hotspot ng virus.

“If we ever relax to MGCQ (modified general community quarantine), we should evaluate this carefully, we should think about it carefully,” lahad ni David.

Sa ngayon aniya ay nasa 3,000 ang average na dagdag na COVID-19 case sa bansa, na dapat ay mapanatili ng bansa para magpatuloy ang pagbaba nito ayon sa UP researcher. (RP/JdeLoza)

The post COVID papatag nitong Sept first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *