Couple nag-LQ: BF nagbaril sa ulo

DAHIL sa problema sa pag-ibig, nagpakamatay ang isang lalaki matapos itong magbaril sa ulo sa tabing ilog sa Maddela, Quirino kamakalawa.

couple nag lq bf nagbaril sa ulo - Couple nag-LQ: BF nagbaril sa ulo
ABANTE inasinta baril - Couple nag-LQ: BF nagbaril sa ulo

DAHIL sa problema sa pag-ibig, nagpakamatay ang isang lalaki matapos itong magbaril sa ulo sa tabing ilog sa Maddela, Quirino kamakalawa.

Ayon kay Maddela Police Station (MPS) /Master Sgt. Isagani Pauig, iniulat ni barangay chairman Francisco Gadigan sa kanilang himpilan ang insidente ng suicide.

Sa salaysay ng kaibigan ng biktima, naikuwento umano nito bago magpakamatay na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang kasintahan na maaaring naging ugat para barilin ang kanyang sarili.

Batay pa sa imbestigasyon, gumamit ng .38 revolver ang biktima sa pagbabaril sa kanyang ulo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon kay Pauig, kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na nagpakamatay ito at hindi na rin sila humi­ngi ng dagdag pang imbestigasyon. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *