COS ng mambabatas inulan ng death threat

Inulan umano ng death threat ang chief of staff ng isang mambabatas nang bumisita ito sa Mindanao kamakailan.

cos ng mambabatas inulan ng death threat - COS ng mambabatas inulan ng death threat
kartada11 6 - COS ng mambabatas inulan ng death threat

Inulan umano ng death threat ang chief of staff ng isang mambabatas nang bumisita ito sa Mindanao kamakailan.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na pinadalhan umano ng text message ang COS na may masamang mangyayari sa kanya.

Suspetsa ng COS, staff din ng mambabatas ang nagpadala ng death threat sa kanya.

Nagkaroon kasi ng bangayan sa tanggapan ng mambabatas matapos kunin ang lalaking walang experience sa trabaho para magsilbi sa sensitibong posisyon.

Maging ang ibang staff ng mambabatas, nadamay din sa gulo matapos ma-reassign at ma­bigyan ng demotion.

Pintahan n’yo na. Ang chief of staff ay nagtatrabaho sa mambabatas na kilalang kuripot at may letrang A sa kanyang pangalan. as in Anda… tung.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *