Corrupt Usec binugbog ni Duterte

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang binugbog na opisyal ng gobyerno dahil sa corruption.

The post Corrupt Usec binugbog ni Duterte appeared first on Abante News Online.

corrupt usec binugbog ni duterte - Corrupt Usec binugbog ni Duterte
duterte 5 1 - Corrupt Usec binugbog ni Duterte

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang binugbog na opisyal ng gobyerno dahil sa corruption.

Ibinulgar niya ito sa isang thanksgiving dinner sa Davao City noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, kapag may nireklamong opisyal ng gobyerno dahil sa corruption agad niya itong inaaksyunan.

Pero sa kaso ng isang undersecretary ng Department of Budget and Management, hindi siya nakapagpigil kaya’t nasaktan niya ito.

“Ang — ang undersecretary ng Budget sinipa ko sa mukha. Ako lang ang Presidenteng nagbubugbog ng tao. Corruption. Dito ako — kaya ako galit eh. Oo, basta corruption,” kuwento ni Duterte.

Hindi binanggit ng Pangulo ang pangalan ng opisyal. Pero noong 1997, sa isang talumpati ay sinabi nitong may tinanggal siyang opisyal ng DBM na muntik na niyang sampalin at sipain.

“I wanted to slap him. I wanted to kick him. I fired him for corruption,” wika pa noon ng Pangulo.

Hindi rin binanggit ni Duterte ang pangalan ng opisyal dahil ayaw niyang mapahiya ang miyembro ng pamilya ng opisyal.

Matagal nang sinasabi ni Pangulong Duterte na maamoy pa lamang niya na may corruption sa isang ahensiya ng gobyerno, agad niyang sisibakin ang opisyal na sangkot dito.

The post Corrupt Usec binugbog ni Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *