Cook tiklo sa takeout ng grocery item

KULUNGAN ang bagsak ng isang cook matapos na mabuking sa pagnanakaw ng mga grocery item sa loob ng pinagtatrabahuang fast food kahapon nang madaling-araw sa Barangay San Roque, Marikina City.

cook tiklo sa takeout ng grocery item - Cook tiklo sa takeout ng grocery item
cook - Cook tiklo sa takeout ng grocery item

KULUNGAN ang bagsak ng isang cook matapos na mabuking sa pagnanakaw ng mga grocery item sa loob ng pinagtatrabahuang fast food kahapon nang madaling-araw sa Barangay San Roque, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson C. Almazan, nakilala ang suspek na si Sarrah Jane Senga y Santos, 39-an­yos, cook at residente ng Marikina City.

Inaresto ng mga tauhan ng Marikina Police si Senga bandang ala-1:45 Linggo nang madaling-araw sa loob ng Barangay San Roque matapos na ireklamo ng kanyang amo na si Leonila Saigano y Mendoza, 50, businesswo­man, makaraang magnakaw ng mga stock na tila nag-grocery sa loob ng pinagtatrabahuang Jappinoy Food Station na matatagpuan sa Red Wood St., New Marikina Subd., Barangay San Roque.

(Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *