Convoy ng mga guro inatake ng ASG, 1 nadale

MALUBHANG nasugatan ang isang sundalo sa naganap na eng­kuwentro kontra sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang isinagawang pangha-harass ng mga bandido sa convoy ng mga guro ng Department of Education (DepEd) kahapon nang umaga sa Patikul, Sulu.

convoy ng mga guro inatake ng asg 1 nadale - Convoy ng mga guro inatake ng ASG, 1 nadale
abante patay - Convoy ng mga guro inatake ng ASG, 1 nadale

MALUBHANG nasugatan ang isang sundalo sa naganap na eng­kuwentro kontra sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang isinagawang pangha-harass ng mga bandido sa convoy ng mga guro ng Department of Education (DepEd) kahapon nang umaga sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Brig. General Marni Marcos, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), dakong alas-7:50 nang umaga habang nagsasagawa ng convoy ang Special Forces Company ng Phi­lippine Army at Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at mga guro ng DepEd sa Sitio Kan Bangsawan, Barangay Kadday Mapallam ng bayang ito nang pasabugan at paulanan sila ng bala ng mga miyembro ng ASG.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang grupo bago dumating ang mga rumespondeng pulisya dahilan upang umat­ras na ang ASG.

Sugatan sa engkuwentro si Private First Class Ferdinand Payumo ng 20 Special Forces Company ng 6th Special Forces Battalion ng Philippine Army matapos masabugan ng granada.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP Western Mindanao, dalawang team ng Special Forces Company (SFC), ang elite force ng Philippine Army, ang tumugis sa ASG hanggang sa ngayon.(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *