Consultant mas maangas pa sa among Cabinet secretary

Kinaiinisan at halos isuka ang isang consultant ng isang Cabinet secretary dahil sa pagiging power tripper umano nito at bully sa kanilang staff.

consultant mas maangas pa sa among cabinet secretary - Consultant mas maangas pa sa among Cabinet secretary
kartada11 7 - Consultant mas maangas pa sa among Cabinet secretary

Kinaiinisan at halos isuka ang isang consultant ng isang Cabinet secretary dahil sa pagiging power tripper umano nito at bully sa kanilang staff.

Itong si consultant ay alalay ng communications team ng isang magaling na secretary pero tila yata nasobrahan ng tiwala sa sarili dahil kung makaasta ay akala mo siya ang boss at walang pakundangan kung bastusin, pagalitan at takut-takutin ang kanilang staff kapag hindi nasunod ang gusto nito sa trabaho.

Bulong ng mga natatakot na staff, palaging ipinapanakot nitong power tripper na consultant na madali silang mapaalis kapag ginusto nito, at kapag nagkamali ito o sumablay sa kanyang nakatokang gawin ay sinisisi agad ang mga staff.

Kung tutuusin ay mas magaling namang ‘di hamak ang mga staff kung utak din lang ang pag-uusapan pero dahil feeling boss siya, itong si power tripper ang palaging tama at walang pagkakamali.

Pintahan niyo na. Ang maangas na consultant ay kapangalan ng dating dancer sa showbiz, o gets niyo na? Ang secretary na pinaglilingkuran nito ay isa sa pinakamayamang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *