Construction worker niregaluhan ng bahay

Pinusuan ng mga netizen ang natanggap na biyaya ng pamilya ng isang construction worker na naging biktima ng bagyo.

The post Construction worker niregaluhan ng bahay first appeared on Abante.

construction worker niregaluhan ng bahay - Construction worker niregaluhan ng bahay
abante construction worker 1 - Construction worker niregaluhan ng bahay

Pinusuan ng mga netizen ang natanggap na biyaya ng pamilya ng isang construction worker na naging biktima ng bagyo.

Binigyan kasi ng programang Unang Hirit ng bahay ang pamilya ni Arjay Canlas Ruben ng Camarines Sur, Bicol.

Kinuwento ng pamilya nito ang sinapit sa paghagupit ng bagyong ‘Rolly’ at ‘Ulysses’, na kahit ilang linggo na ang lumipas ay bakas pa rin ang pinsala sa kanilang tahanan. Pinakita ni Ruben ang ginawa niyang bahay na pinagtagpi-tagping mga materyales na kanyang napulot para may masilungan ang kanyang mag-iina.

Buhos pa ang biyaya ng pamilya dahil bukod sa bagong masisilungan ay nakatanggap din si Arjay ng mga tools para sa kabuhayan at P50,000 tulong pinansyal naman para sa pagsisimula ng kanilang buhay sa bagong bahay.

Marami ang naantig sa kwento ng pamilya at humiling rin na matulungan ang iba pang mga nasalanta ng magkakasunod na kalamidad noong 2020.

The post Construction worker niregaluhan ng bahay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *