Congressional police itinulak ni Recto

ISINULONG ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagkakaroon ng puwersa ng kapulisan sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

congressional police itinulak ni recto - Congressional police itinulak ni Recto
recto 6 - Congressional police itinulak ni Recto

ISINULONG ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagkakaroon ng puwersa ng kapulisan sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ito’y upang matiyak ang seguridad ng mga miyembro, opisyales, empleyado at mga pa­nauhing pandangal ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1051, sinabi ni Recto na ang pagkakaroon ng hiwalay na congressional police force ang titiyak aniya sa kalayaan ng lehislatura mula sa Malacañang.

Bagaman may sarili nang Sergeant-at-Arms ang Kongreso, iginiit ni Recto na dumedepende naman ang puwersa na ito sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang law enforcement agency para matiyak ang seguridad ng kanilang mga mi­yembro at opisyales.

Ang kailangan aniya ng Kongreso ay isang puwersa ng kapulisan na nakapokus sa pagmamantini ng peace and order, safety and security ng mga mi­yembro, empleyado, panauhin at maging ng mga pamilya nito sa loob at labas ng Kongreso.

Sakaling maging ganap na batas ang SB 1051, magkakaroon ng Congressional Police Board na bubuuin ng tatlong regular commissioner kabilang dito ang sergeant-at-arms ng dalawang kapulungan ng Kongreso at ang magiging hepe ng Congressional Police.

Pamumunuan naman ito ng isang chief at dalawang deputy chief na itatalaga ng Senate President at House Speaker. ­(Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *