Cong. Romero pumuntos ng 700 panukalang batas

Napuna nakaraan ng ilang manunulat maging online news website ang impresibong performance ng isang mambabatas sa Kamara.

The post Cong. Romero pumuntos ng 700 panukalang batas first appeared on Abante.

cong romero pumuntos ng 700 panukalang batas - Cong. Romero pumuntos ng 700 panukalang batas
abante mikee romero - Cong. Romero pumuntos ng 700 panukalang batas

Napuna nakaraan ng ilang manunulat maging online news website ang impresibong performance ng isang mambabatas sa Kamara.

Dito na nailathala ng ilang pahayagan ang sipag na hindi maikakaila ni House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero na nakapagtala ng 702 panukalang batas mula nang ito ay maupo bilang Kongregista.

Bukod dito, ang 47 sa panukala nito ay ngayon ay ganap ng batas. Ilan sa mga nasabing batas ay ekstensyon ng driver’s license ng limang taon, ang Free Irrigation Act, Philippine Sports Training Act at ang mandatory Philhealth coverage para sa lahat ng mga kapansanan.

Si Deputy Speaker Romero din ang isa sa principal ng Bayanihan to Heal as One and Two Act na siya ngayong nagiging malaking tulong sa Bansa at sa mamamayan.

“Una, tayo ay nagpapasalamat sa Panginoon sa patuloy na talino at kalusugang sa atin ay pinagkakaloob para patuloy makapaglingkod sa Bayan. Pangalawa, ay an gating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nanalig at inaprubahan ang batas para sa ikabubuti ng ating Bansa,” pahayag ni Romero.

Bukod sa pinamamalas na sipag at talino ng mambabatas, na nananatiling pinaka-mayamang Kongregista sa bansa mula 2016 hangang sa kasalukuyan. Ito din ay patuloy na nagbibigay ng malaking tulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang program tulad ng “Iskolar Kami ni Cong. Mikee Romero” program kung saan libo-libo ang natulungang makapag aral.

Ito din ay patuloy sa pagtulong sa mga batang may butas ang puso o Congenital Heard Disease (CHD) na sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 600 na ang batang napa-opera nito upang madugtungan ang buhay.

“Tulong. ‘Yun lang talaga nasa-isip ko mula po ng ako ay hikayatin na tumakbo bilang Representante ng 1Pacman Party-list. Mas maraming tulong ang aking nais mapagkaloob sa ating mamamayan,” dagdag ng mambabatas.

Ang mambatas ay naging malaki din ang partisipasyon sa sports at ito ang naging Team Captain na nakasungkit ng medalya sa nakaraang Southeast Asian Games.

The post Cong. Romero pumuntos ng 700 panukalang batas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *