Cong naghakot ng pangregalo

Kahit malayo pa ang Pasko, naghahakot na ngayon ang isang miyembro ng Lower House ng magiging pangregalo niya.

cong naghakot ng pangregalo - Cong naghakot ng pangregalo
kartada11 11 - Cong naghakot ng pangregalo

Kahit malayo pa ang Pasko, naghahakot na ngayon ang isang miyembro ng Lower House ng magiging pangregalo niya.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na dalawang van ang pinatakbo niya sa Metro Manila upang kunin ang mga pangregalo.

Napuno raw ang dalawang van ng mga pang­regalo na nakalagay sa mga kulay pulang ecobag.

Ibiniyahe raw ang mga regalo nitong Martes patungo sa distrito ni congressman na matatagpuan sa Mimaropa region.

Sa dami ng hinakot na regalo, kaya nitong bigyan ang lahat ng residente ng kanyang distrito.

Pintahan n’yo na. Si congressman ay may mataas din na ambisyon sa buhay at may letrang A sa kanyang pangalan, as in Anito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *