Committee chairmanship gagamitin ng mga reeleksyunista – Gatchalian

AMINADO si Senador Win Gatchalian na malaking tulong sa mga mambabatas na muling tatakbo sa halalan sa 2022 ang pamumuno sa mga Committee sa 18th Congress.

The post Committee chairmanship gagamitin ng mga reeleksyunista – Gatchalian appeared first on Abante News Online.

committee chairmanship gagamitin ng mga reeleksyunista gatchalian - Committee chairmanship gagamitin ng mga reeleksyunista – Gatchalian
wyn Gatchalian 1 - Committee chairmanship gagamitin ng mga reeleksyunista – Gatchalian

AMINADO si Senador Win Gatchalian na malaking tulong sa mga mambabatas na muling tatakbo sa halalan sa 2022 ang pamumuno sa mga Committee sa 18th Congress.

Tinukoy ni Gatchalian ang mga komite na may kinalaman sa kalusugan at edukasyon na ma­laking tulong para sa mga reelectionists sa susunod na eleksyon dahil ito aniya ang madalas na makita at direkta sa tao.

“We also have to understand, we have some of our colleagues, our friends, who are reelectio­nists. Some of the committees can help them win their reelections, and that’s not bad, given they can,” saad ni Gatchalian.

“Since we are all part of the majority, tulungan natin ang mga reelectionists manalo, because at the end of the day we are supporting and cooperative of the administration’s bills” diin pa nito.

Si Gatchalian ay magtatapos ang termino sa 2022 at umaasa na makukuha ang chairmanship sa Senate Committee on Education na iiwanan ni outgoing Senator Chiz Escudero.

Gayunman, nais din nina Senador Joel Villanueva at ni Senator-elect Pia Cayetano ang naturang komite.

Bukod sa pagiging reelectionist sa susunod na halalan, iginiit ni Gatchalian na adbokasiya nito ang pagdebelop sa edukasyon at isa sa kanyang mga proyekto sa kanyang termino bilang alkalde at kongresista ng Valenzuela City.

Ipinaalala pa ni Gatchalian na nauna na rin siyang nagpaubaya kay Senador Bam Aquino noong 2016 para sa naturang posisyon,“Ganyan ‘yung dyna­mics, it’s a give and take. But we also have to help our colleagues to campaign for the next three years,” paliwanag pa ni Gat­chalian.

“I have a lot of ideas on how to reform the sector and making sure that this sector will be tuned to the fourth industrial revolution. These are the things that I want to do,” dagdag nito.

Matatandaang si Aquino na nagsilbing chairman ng Senate education committee sa maikling panahon noong 17th Congress at si Senador JV Ejercito ang pinuno ng health committee ay kapwa nabigo sa kanilang reelection bid noong May 13.(Dang Samson-Garcia)

The post Committee chairmanship gagamitin ng mga reeleksyunista – Gatchalian appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *