Comelec-Smartmatic gigisahin sa aberya

DISMAYADO ang tatlong senador sa mga aberya ng botohan nitong Lunes, Mayo 13, kaya’t nais nilang imbestigahan sa Senado ang Commission on Elections (Comelec).

The post Comelec-Smartmatic gigisahin sa aberya appeared first on Abante News Online.

comelec smartmatic gigisahin sa aberya - Comelec-Smartmatic gigisahin sa aberya
Abante COMELEC1 - Comelec-Smartmatic gigisahin sa aberya

DISMAYADO ang tatlong senador sa mga aberya ng botohan nitong Lunes, Mayo 13, kaya’t nais nilang imbestigahan sa Senado ang Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Senador Joel Villanueva, tumanggap ng higit P10 bilyong budget ang Comelec ngayon taon pero marami pa ring lumitaw na aberya sa pagdaros ng halalan.

Kabilang dito ang mga pumalyang vote countin­g machine ng Smartmatic Inc., mga depektibong SD card mula sa mga kinontratang kompanya at iba pa.
Ang pinakagrabe dito ay nang magkaroon ng pitong oras na glitch sa transmission ng unofficial results simula nitong Lunes nang gabi.

“This glitch is so weird We gave Comelec P10.18B budget for this year. We have the right to know what’s really going on?#unbelievable,” tweet ni Villanueva.

Kahit bumalik ang transmission ng resulta ng halalan nitong Martes nang madaling-araw, pumapalya pa rin ito. Umalma tuloy ang mga media network at mga organisasyon na nakatutok sa transparency server.

Noong 2016 elections, nagkaroon din ng aberya sa transparency server kaya’t pinagdudahan ito ng kampo ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Nagtataka rin si Senador Sherwin Gatchalian sa pangyayari dahil halos 90% na ang transmission nila sa Valenzuela pero sa transparency server ay wala pa sa 1%.

“Our local server said that we already had transmitted at 90%. But the TV/transparency server got stuck at 0.40%. What’s happening @COMELEC?,” tweet ni Gatchalian.

“600 VCMs malfunctioned. 1000 SD cards malfunctioned. Transparency server malfunctioned.

Congress allocated P10 billion for a real time and credible elections,” himutok ni Gathalian.

Handa naman si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, na imbestigahan sa pinamununuan niyang Senate committee on electoral reforms ang mga aberya sa halalan.

“Glitches are enough to call for a congressional investigation. Why are we still having all these glitches? Cannot Comelec anticipate them?” saad ni Pimentel.

Bukas naman ang Malacañang sa plano ng mga mambabatas na imbestigahan ang ilang “glitches”sa katatapos na halalan matapos sumablay ang ilang makinang ginamit ng Comelec sa pagbilang ng mga boto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na kung ito ay para sa ikakaganda ng bansa ay susuportahan ito ng Palasyo.

Marami na aniya siyang naririnig na reklamo sa Smartmatic, ang contractor ng VCM na ginamit sa eleksyon, kaya dapat na itong maimbestigahan.

“Anything that will be for the betterment of this country we always support. Siguro marami nang nagrereklamo sa Smartmatic ‘di let’s have probe them by the Senate or the House of Representatives,” ani Panelo.

Aniya, napapanahon na ring i-review ang kontrata ng Smartmatic para mabatid kung karapat-dapat pa bang kunin ang serbisyo nito sa mga darating na halalan.

Dapat aniyang mabigyan ng leksyon ang Smartmatic dahil hindi sasablay ang mga makina ng walang dahilan.

Obligasyon ng Smartmatic na tingnan ang kakayahan ng kanilang mga makina lalo pa at napa­kahalaga ang idinaos na proseso para sa mga Pilipino.
“They should. That should teach them a lesson. There must be something wrong,” ani Panelo.

Kung alam na aniyang magkakaproblema sa VCM dahil hindi nagamit sa loob ng tatlong taon, dapat aniya ay sinubukan muna ang mga ito bago ginamit noong Lunes.

“Siguro what they should do is always to make a test dito sa mga machine. Dapat ginagamit nila for test purposes para gumagana,” dagdag pa ni Panelo.

Samantala, tinukoy naman ng Comelec na java error ang dahilan ng bumabang porsyento ng nabilang na elections returns sa kanilang transparency server.

Nagkaroon ng kalituhan ang mga nakatanggap na media outlet dahil mula sa 92.89% na napro­sesong election returns dakong als-5:20 nang madaling-araw kahapon ay bumaba ito sa 49.76% bandang alas-6:21 nang umaga.

Sinabi naman ni Commissioner Rowena Guanzon na walang dapat ikaalarma ang publiko sa nasabing aberya dahil kailangan lang aniyang i-reset ang system na hindi magtatagal ng limang minuto at babalik na ulit ang updated figures. (Dang Samson Garcia/Aileen Taliping/Mia Billones)

The post Comelec-Smartmatic gigisahin sa aberya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *