Comelec sinisingil sa atraso sa mga guro

Hindi pa natanggap nang buo ng mga gurong nagsilbi sa katatapos na midterm elections ang kanilang honoraria o bayad mula sa Commission on Elections (Comelec).

The post Comelec sinisingil sa atraso sa mga guro appeared first on Abante News Online.

comelec sinisingil sa atraso sa mga guro - Comelec sinisingil sa atraso sa mga guro
comelec 7 - Comelec sinisingil sa atraso sa mga guro

Hindi pa natanggap nang buo ng mga gurong nagsilbi sa katatapos na midterm elections ang kanilang honoraria o bayad mula sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Department of Education Undersecretary Alain Pascua na may impormasyon sila na may ilan pang mga guro na hindi pa nabayaran nang buo ng Comelec.

Pero may hanggang May 28 aniya ang Come­lec para maibigay ang pinagpaguran ng mga guro sa kanilang pagsisilbi sa katatapos na eleksiyon.

“‘Yung EZRA law, the election service requirement is mandating the Comelec to pay in full all the honoraria and allowances by May 28. That’s fifteen days after elections,” ani Pascua.

Sinabi ng opisyal na naunang ibinigay sa mga guro ang mga allo­wance kaya’t honoraria na lamang ang hinihintay ng mga ito mula sa Comelec. (Aileen Taliping)

The post Comelec sinisingil sa atraso sa mga guro appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *