Comelec pilay sa Random Manual Audit

AMINADO ang Commission on Elections (Come­lec) na nawiwindang ito ngayon sa paghaha­nap ng partner para sa pagsasagawa ng Random Manual Audit (RMA) para sa halalan sa Mayo 13.

The post Comelec pilay sa Random Manual Audit appeared first on Abante News Online.

comelec pilay sa random manual audit - Comelec pilay sa Random Manual Audit
abante Manual Audit - Comelec pilay sa Random Manual Audit

AMINADO ang Commission on Elections (Come­lec) na nawiwindang ito ngayon sa paghaha­nap ng partner para sa pagsasagawa ng Random Manual Audit (RMA) para sa halalan sa Mayo 13.

Aminado si Comelec spokesperson James Jimenez na bahagya silang napilayan matapos bumi­taw at tanggihan ng National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) ang ibinigay nilang akreditasyon dito para sa 2019 national at local election.

Dahil dito, limitado na aniya ang grupo na kalahok sa RMA at moni­toring ng mga paghahanda para sa May 13 election.

Ang RMA ay bahagi ng automated election system na sinimulang gamitin noong 2010 election.

Ang mga balota mula sa mga random na napiling clustered precinct ay kailangang mano-manong inspeksyunin at bilangin.

Ikukumpara ang mga balota para makita kung pareho o match ang resulta sa output ng mga vote counting machine (VCM).

Nanindigan ang Namfrel na wala ring saysay ang akreditasyon nila kung magiging li­mitado ang kanilang access sa impormasyon sa Open Data project.

Gayunman, kinontra ito ni Commissioner Luie Tito Guia dahil wala umanong kinalaman ang Open Election Data sa RMA proceeding.

Idinagdag ni Guia na magagawa pa rin naman nila ang RMA kahit walang citizen arm.

Gayunman, naghahanap pa rin aniya sila ng partner para hindi maalanganin ang integridad ng poll body.

Samantala, ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) naman ang partner ng Comelec sa pagsasagawa ng parallel count.

Bibigyan ng Comelec ang PPCRV ng hard at digital copy ng election return para sa parallel count. (Mia Billones)

The post Comelec pilay sa Random Manual Audit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *