Comelec kinalampag sa paggamit ng VVPAT

NAGPAHAYAG ng matinding pangamba ang isang advocate ng malinis na halalan na maulit ang naganap na malawakang dayaan noong 2016 national elections sa ilalim ng automated election scheme.

The post Comelec kinalampag sa paggamit ng VVPAT appeared first on Abante News Online.

comelec kinalampag sa paggamit ng vvpat - Comelec kinalampag sa paggamit ng VVPAT
ABANTE comelec senatoriables - Comelec kinalampag sa paggamit ng VVPAT

NAGPAHAYAG ng matinding pangamba ang isang advocate ng malinis na halalan na maulit ang naganap na malawakang dayaan noong 2016 national elections sa ilalim ng automated election scheme.

Kaugnay nito ay naghain ng petition ang grupong Mata sa Balota sa Commission on Elections(Comelec) ngayong araw upang hilingin sa Comelec na ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema patungkol sa verified voters paper audit trail o VVPAT.

Paliwanag ni Atty. Melchor Magdamo, isa sa mga abogado ng Mata sa Balota, pinapayagan ng batas ang pagkuha ng photograph sa VVPAT o resibo ng isang botante upang magamit na pruweba kung may tangkang pandaraya sa magiging resulta sa bilang ng vote counting machine o VCM.

Sabi pa ni Magdamo, ginagarantiyahan ng batas alinsunod sa Section 179 ng Omnibus Election Code na nagsasabing pinapayagan ang mga poll watcher na maging ang publiko na kumuha ng photograph sa proceeding o anumang insidente sa panahon ng botohan.

Sa mga pagrepaso aniya ng grupo sa nagdaang 2016 national election maraming naganap na iregularidad sa proseso.

Binanggit ni Magdamo na isa na rito ang early transmittal ng resulta sa voting precinct maging ang iba pang IP address na nagpapadala ng resulta ng halalan.

Isa sa tinukoy ng grupo ang natuklasang early transmission sa Camarines Sur.

Nais ng grupo na maipatupad ang isang Clean, Honest, Accurate Meaningful and Peaceful Election o CHAMPE sa Mayo 2019 midterm polls kung kaya lalo pa aniyang babantayan ng publiko ang balota.

The post Comelec kinalampag sa paggamit ng VVPAT appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *