Comelec bumigay: Gurang na Cardema Duterte Youth congressman

TINANGGAP na ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ng Duterte Youth Party-list na ipalit bilang kinatawan ng nasabing party-list si dating youth commissioner Ronald Cardema.

The post Comelec bumigay: Gurang na Cardema Duterte Youth congressman appeared first on Abante News Online.

comelec bumigay gurang na cardema duterte youth congressman - Comelec bumigay: Gurang na Cardema Duterte Youth congressman
abante  Chairman Ronald Cardema - Comelec bumigay: Gurang na Cardema Duterte Youth congressman

TINANGGAP na ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ng Duterte Youth Party-list na ipalit bilang kinatawan ng nasabing party-list si dating youth commissioner Ronald Cardema.

“The substitution of Ronald Cardema as Duterte Youth nominee has been approved, with one Commissioner dissenting and one abs­tention,” ani Comelec spokesman James Jimenez.

Nabatid na sa ilalim ng Party-list System Act kinakailangan ang nomi­nee ng youth sector ay 30 years pataas. Si Cardema ay 33 an­yos.

Ang withdrawal documents na inihain ng limang nominees ng Duterte Youth ay alinsunod sa party-list laws.

Ilan sa mga pumabor sa substitution ni Cardema ay sina Comelec chief Sheriff Abas at Commissioners Al Parreño, Socorro Inting, Marlon Casquejo, at Antonio Kho Jr. habang nag iisang kumontra ay si Commissioner Rowena Guanzon.

Nag abstain naman si Comelec Commissioner Luie Tito Guia dahil nauna na nito ibinasura ang Duterte Youth bilang party-list.

Matatandaang naghain ng withdrawal ang limang  nominees kabilang ang misis ni Cardema na si Ducielle noong Mayo 12

Agad din namang naghain noon ng substitution si Cardema.

Dumistansiya naman ang Malacañang sa na­ging aksyon ng Comelec na paboran ang petition for substitution ni Cardema.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi sila manghihimasok sa proseso ng Comelec dahil isa itong independent at constitutional body.

“We do not intrude nor interfere into the proceedings of any branch of the government or any constitutional body,” ani Pane­lo. (Mia Billones/Aileen Taliping/Prince Golez)

The post Comelec bumigay: Gurang na Cardema Duterte Youth congressman appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *