Colonel na nangmanyak kay Parojinog, sibak – PNP

Inirerekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagsibak sa serbisyo ni Police Lt. Col. Jigger Noceda matapos mapatunayan ang akusasyon ng pangmomolestiya kay Nova Princess Parojinog.

The post Colonel na nangmanyak kay Parojinog, sibak – PNP first appeared on Abante.

colonel na nangmanyak kay parojinog sibak pnp - Colonel na nangmanyak kay Parojinog, sibak – PNP
abante pajarijong - Colonel na nangmanyak kay Parojinog, sibak – PNP

Inirerekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagsibak sa serbisyo ni Police Lt. Col. Jigger Noceda matapos mapatunayan ang akusasyon ng pangmomolestiya kay Nova Princess Parojinog.

Ito ang kinumpirma kahapon ni IAS chief Inspector General Alfegar Triambulo matapos mapatunayan sa imbestigasyon na guilty si Noceda, dating hepe ng PNP custodial unit sa dalawang kaso ng grave misconduct, isang kaso ng acts of lasciviousness at rape by sexual assault.

Ayon pa kay Triambulo, ang rekomendasyon ng IAS ay kanila ng ipinadala kay PNP chief General Debold Sinas.

Si Parojinog na dating Ozamis City vice mayor at anak ng napatay na Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., ay nasa restrictive custody ng PNP custodial center sa Camp Crame dahil sa kasong illegal possession at dangerous drugs.

Base sa reklamo ni Parojinog, unang naganap ang pangmomolestiya umano ni Noceda sa kanya noong Hunyo 9, 2020 ng magpa selfie ito sa kanya at pagkatapos ay isandal sa pader at halikan sa labi.(Edwin Balasa)

The post Colonel na nangmanyak kay Parojinog, sibak – PNP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *