College student buwis-buhay sa selfie

Nalaglag mula sa apat na palapag ang dalawang kolehiyala habang sila ay nagse-selfie sa isang rooftop party.

The post College student buwis-buhay sa selfie first appeared on Abante.

college student buwis buhay sa selfie - College student buwis-buhay sa selfie
selife - College student buwis-buhay sa selfie

Nalaglag mula sa apat na palapag ang dalawang kolehiyala habang sila ay nagse-selfie sa isang rooftop party.

Ayon sa ulat ng WPVI, nangyari ang insidente bandang alas-dos ng madaling-araw sa Pennsylvania, US.

Sabi ng pulisya, nagpa-party at umiinom doon ang ilang estudyante ng Temple University sa isang rooftop nang may dalawang babae na sinubukan umanong mag-selfie pero nalaglag sa bubong at bumagsak sa eskinita.

Naospital ang dalawa. Napaulat na ang isang estudyante ay nagtamo ng mga sugat sa binti at bukung-bukong, habang ang isa pa ay kritikal pero stable na ang lagay at nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sabi ng mga kapitbahay, hindi naawat ng COVID-19 ang pagpa-party ng mga estudyante. (Shernielyn dela Cruz)

The post College student buwis-buhay sa selfie first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *