Coed nag-suicide sa school

Isang babaeng estudyante ng Olongapo City College ang namatay matapos bumagsak mula sa ikatlong palapag ng kanilang gusali kahapon (Lunes).

coed nag suicide sa school - Coed nag-suicide sa school
dead 1 - Coed nag-suicide sa school

Isang babaeng estudyante ng Olongapo City College ang namatay matapos bumagsak mula sa ikatlong palapag ng kanilang gusali kahapon (Lunes).

Ayon sa mga imbestigador , nakuhanan ng CCTV ang isang babaeng estudyante na nakaupo sa terrace ng ikatlong palapag bago pa siya nakitang bumagsak sa ground floor nito dakong alas-8:20 ng umaga.

Dagdag pa ng otoridad, maaaring isa sa motibong nakikita rito ay ang pagpapakamatay, dahil nabanggit umano ng kanyang mga kamag aral na nag-iwan ito ng isang sulat na nagsasabi ng problema sa kanyang pamilya.

Bago pa namatay ang biktima nabanggit din ng kanyang mga kamag aral ang hindi pagtanggap ng kanilang guro sa isang proyekto na ipinasa nito.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigayson ng kapulisan maging ang mga opisyal ng paralan kung mayroon pang ibang motibo sa pagkamatay ng biktima o foul play na nangyari. (Randy V. Datu/ Jojo Perez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *