Coco Martin sasama na sa kampanya ni Grace

BREAK muna sa shooting ng teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ si Coco Martin upang samahan sa kampanya si Senador Grace Poe sa Laguna nga­yong Martes, Abril 30.

The post Coco Martin sasama na sa kampanya ni Grace appeared first on Abante News Online.

coco martin sasama na sa kampanya ni grace - Coco Martin sasama na sa kampanya ni Grace
abante poe 3 - Coco Martin sasama na sa kampanya ni Grace

BREAK muna sa shooting ng teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ si Coco Martin upang samahan sa kampanya si Senador Grace Poe sa Laguna nga­yong Martes, Abril 30.

Sasaglit muna si Poe sa Carmona, Cavite bago tumuloy sa Biñan, Laguna para sa isang pocket rally dakong alas-12:00 nang tanghali.

Kasunod nito ay ilalarga na ng reeleksyunistang senador ang motorcade mula sa Biñan Multi-Purpose Covered Court patungo ng Public Market, Balibago sa Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba Public Market hanggang sa makarating sa SM City Calamba.

Noong Abril 1, sumama rin si Martin sa kampanya ni Poe sa Cebu.
Hinikayat ng ‘Ang Probinsyano’ star sa mga Cebuano na iboto ang kanyang ‘ate’ Grace Poe.

“Hinihingi ko po sana sa inyo ng suporta, dahil sobrang pagmamahal ko sa taong ito at tinuturing kong ate. Ang isa sa mga taong pinapakinggan ko at gumagabay sa akin—si Grace Poe,” wika pa ng aktor.

Si Poe ang unang senatoriable na inendorso ni Coco Martin na ayon sa isang political strategy firm ay may malaking ‘endorsement value’.

The post Coco Martin sasama na sa kampanya ni Grace appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *