Coal financier susuriin ng IFC independent watchdog

Sa kauna-unahang pagkakataon, maglu­lunsad ang International Finance Corporation’s (IFC) independent watchdog ng im­bestigasyon sa papasok na World Bank Group member na umano’y naglagak ng pondo sa bangko para sa coal power plant sa bansa.

coal financier susuriin ng ifc independent watchdog - Coal financier susuriin ng IFC independent watchdog
carbon - Coal financier susuriin ng IFC independent watchdog

Sa kauna-unahang pagkakataon, maglu­lunsad ang International Finance Corporation’s (IFC) independent watchdog ng im­bestigasyon sa papasok na World Bank Group member na umano’y naglagak ng pondo sa bangko para sa coal power plant sa bansa.

Ayon kay David Pred, executive director ng Inclusive Development International, nakatanggap umano ng umaabot sa $254 mil­yong IFC fund ang isang kilalang bangko na naging ‘key financier’ ng industriya ng karbon sa island nation, isa sa itinuturing sa buong mundo na pinakamahina sa ‘climate change’, sa kabila ng 2013 World Bank moratorium sa maraming kaso ng pagpopondo ng karbon.

“We are pleased to see IFC taking this important step to close the $20 billion-dollar financial intermediary loophole in the World Bank’s 2013 pledge to stop funding coal,” ani Pred.

Aniya, sa pamamagitan ng pagtatanong ay malalaman kung ang IFC ay lumabag sa ‘social and environmental rules’, kung kailan nakipagpartisipasyon ang kliyenteng bangko sa pag-utang ng daan-daang milyong dolyar upang magtayo o palawakin ang 11 coal-fired power plant.

Ang imbestigasyon ay isinagawa pagkaraan ng 2 taon matapos maghain ng rekla­mong ‘class action style’ laban sa IFC sa pamamagitan ng Compliance Advisor Ombudsman ng watchdog ang mahigit sa 120 citizen group at komunidad sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *