COA tamang duda sa Kaliwa dam contract

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang pagkakapili ng contractor na siyang gagawa sa New Centennial Water Source-Kaliwa dam project.

coa tamang duda sa kaliwa dam contract - COA tamang duda sa Kaliwa dam contract
coa - COA tamang duda sa Kaliwa dam contract

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang pagkakapili ng contractor na siyang gagawa sa New Centennial Water Source-Kaliwa dam project.

Ayon sa 2018 audit report, pinagdudahan ng COA ang isinaga­wang bidding sa proyekto dahil parang sinadya ng dalawang bidder na Chinese na hindi sumunod sa requirement.

Hindi sumunod sa eligibility requirement ang Consortium of Guangdong Foreign Construction kahit binanggit sa report ng Technical Working Group na ang contractor ay may “proven track record and work experience.” Ang isa namang bidder na Power Construction Corp. of China Limited ay tila sinadya ang pag-bid ng mataas kaysa sa aprobadong budget ng kontrata.

“The procurement of the project is with the semblance of a competi­tive bidding when in rea­lity, it is a negotiated contract from the inception of the bidding process,” ayon sa report.

Ang proyekto ay pinagkaloob sa China Energy Engineering Corporation Limited noong Disyembre 2018. Pero ang Notice to Proceed ay nakatengga pa rin dahil sa hindi pa sinusumite ang ilang dokumento ng contractor.

Kaugnay nito, pag-aaralan ng Malacañang ang kontrata na pinasok ng gobyerno sa China para sa konstruksiyon ng Kaliwa dam project sa lalawigan ng Quezon.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo matapos kuwestiyunin ng COA ang pag-award sa proyekto sa China Engineering Corporation Limited.

“Siyempre we will have to look at the report of the COA, and then look at the contract. But as of now, we have not received officially a report on that matter,” ani Panelo.

Ipapaubaya na ng Palasyo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung ipasuspinde ang kontrata kapag napatunayang hindi valid o may paglabag sa proseso ng bidding.

“We’ll let the President decide on that,” ang maiksing dagdag na pahayag ni Panelo. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *