COA sa Pisay: ₱16M singilin sa mga pasaway na iskolar

INATASAN ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Science High School System (PSHSS) Western Visayas at Southern Mindanao to singilin ang P16.12 milyon mula sa mga “scholar-awardees­” na hindi kumuha ng mga kurso sa scienc­e, technology, engineering and mathematics (STEM) sa kolehiyo.

coa sa pisay e282b116m singilin sa mga pasaway na iskolar - COA sa Pisay: ₱16M singilin sa mga pasaway na iskolar
coa - COA sa Pisay: ₱16M singilin sa mga pasaway na iskolar

INATASAN ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Science High School System (PSHSS) Western Visayas at Southern Mindanao to singilin ang P16.12 milyon mula sa mga “scholar-awardees­” na hindi kumuha ng mga kurso sa scienc­e, technology, engineering and mathematics (STEM) sa kolehiyo.

“(These) additional funds could have been utilized to finance other priority programs,” giit sa 2018 COA report.

Partikular na inatasan ng COA sina Dr. Shena Faith Ganela ng Western Visayas Campus (WVC) at Delia Legaspino ng Southern Mindanao Campus (SMC) na singilin ang mga dating iskolar dahil sa “breach of agreement”.

Ayon sa audit report, P6.1 milyon ang kokolektahin ng WVC, habang P10.02 naman sa SMC.

Sa ilalim ng PSHSS Board of Trustees Resolution No. 2012-12-47C, na kilala rin sa tawag na Pisay “Scholarship Agreement”, ang scholar-awardee ay kailangang kumuha ng kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa science, mathematics at technology.

Ang ganitong kasunduan na maituturing na isang kontrata ay nag-oobliga sa mga iskolar at magulang o guardian na bayaran ang PSHSS sa paglabag sa kasunduan.

Sa ilalim ng Section 35 ng Presidential Decree No. 1445, maaaring tulungan ng Solicitor General ang PSHSS sa paghahabol sa mga iskolar na luma­bag sa kontrata.

Hinimok ng COA sina Ganela at Lagaspino na magpadala ng demand letter sa mga magulang o guardian ng mga iskolar na lumabag sa kontrata. (Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *