Coa sa PCGG: ₱8M bonus isoli!

PINAPASOLI ng Commission on Audit sa mga da­ting opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang P8 milyong halaga ng bonus na ibinigay nito sa kanilang mga emple­yado.

coa sa pcgg e282b18m bonus isoli - Coa sa PCGG: ₱8M bonus isoli!
coa - Coa sa PCGG: ₱8M bonus isoli!

PINAPASOLI ng Commission on Audit sa mga da­ting opisyal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang P8 milyong halaga ng bonus na ibinigay nito sa kanilang mga emple­yado.

Sa desisyon ng COA, ibinasura nito ang petition for review na inihain nina dating PCGG Acting Chairman Richard Amurao at Commissioner Vicente Gengos, kaugnay ng notice of disallowance.

Sa nasabing notice, hinarang ng COA ang pagbabayad ng of P8.34 milyon ng mga dating PCGG head bilang calamity assistance, gift check, goodwill incentive at collective negotiation agreement incentive mula 2012 hanggang 2013.

Sa July 4 decision, hindi umano inaprubahan ng Presidente ang pagkakaloob ng nasabing mga benepisyo at ito ay labag sa itinatakdang guidelines ng Department of Budget and Management.

“As to the merits, this commission finds the payments of the benefits/incentives without legal basis,” giit ng COA proper.

Ikinatuwiran ng mga dating opisyal ng PCGG na wala silang nilalabag sa batas at ang nasabing mga benepisyo ay ipinagkaloob sa mga empleyado “in good faith in the face of billions returned to the government due to their employees’ hard work.”

“If these assertions are true, it only shows that the PCGG is doing its mandate to recover ill-gotten wealth accumulated by former President Marcos, his immediate family, relatives, subordinates and close associates,” ayon sa desisyon. “However, while this commission recognizes these valuable accomplishments of PCGG, these cannot be the basis for payments of the disallowed benefits,” sabi ng COA
Inatasan ang mga empleyado na nakatanggap ng bonus na isoli ang pera.

Ang desisyon ay pirmado nina COA Chairman Michael Aguinaldo, Commissioners Jose Fabia at Roland Pondoc. (Allan Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *