COA ‘di puwedeng utusan sa P5M Marawi fund diversion

Nanindigan si Senate Minority­ Leader Franklin Drilon na hindi maaaring utusan ang Commission on Audit (COA) hinggil sa ginawa nilang pagkuwestyon sa limang mil­yong pisong pondo ng Marawi rehabilitation na ginamit sa Hajj pilgri­mage sa Saudi Arabia.

The post COA ‘di puwedeng utusan sa P5M Marawi fund diversion appeared first on Abante News Online.

coa di puwedeng utusan sa p5m marawi fund diversion - COA ‘di puwedeng utusan sa P5M Marawi fund diversion
marawi 1 - COA ‘di puwedeng utusan sa P5M Marawi fund diversion

Nanindigan si Senate Minority­ Leader Franklin Drilon na hindi maaaring utusan ang Commission on Audit (COA) hinggil sa ginawa nilang pagkuwestyon sa limang mil­yong pisong pondo ng Marawi rehabilitation na ginamit sa Hajj pilgri­mage sa Saudi Arabia.

Binigyang-diin ni Drilon na independent ang COA at hindi sumusunod sa mga pakiusap ng mga opisyal ng gobyerno, kahit na sa Pangulo ng bansa.

“Ang COA naman ay independent constitutional body kaya aking hinihiling sa kanila na ipagpatuloy nila ang kanilang pag iimbestiga dito sa paggamit ng pondo sa Marawi rehabilitation dyan sa pilgrimage. May proseso po sa ating Saligang Batas kung paano itong audit dito. Independent ang COA at hindi siya puwedeng utusan ng executive.” diin ni Drilon.

Nauna rito ay nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa COA na huwag nang pag-initan ang paglipat ng pondo para sa Hajj pilgrimage. Nagbanta pa ang Pangulo na posibleng magkaroon ng rebolusyon kapag nakulong siya, anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at Task Force Marawi Chairman Eduardo del Rosario.

Ayon pa kay Drilon, may kapangyarihan ang Pangulo na mag-realign ng pondo ng gobyerno pero kung ang pinuno ng ahensiya ng gobyerno lang ang gagawa nito ay may pananagutan siya sa batas.

Aniya, maaaring makasuhan ng technical malversation ang taong­ nagdivert ng pondo sa Hajj pilgrimage.­

“Yun ang sa aking tingin,” ani Drilon kasabay ng pagsasabing ito rin ang posisyon ni Senador Panfilo Lacson.

Naunang sinabi nina Lacson at special envoy Ramon Tulfo na bawal ang pagdivert ng pondo ng Marawi rehabilitation sa pilgrimage ng mga taga-Marawi sa Mecca, Saudi Arabia.

Binigyang-diin ni Lacson na hindi maaaring ikatuwiran na mas mahalaga ang pagdalo ng mga taga-Marawi sa pilgrimage kaysa magkaroon sila ng bahay.

Binanggit naman ni Tulfo na kahit saang anggulo silipin, nagkamali si del Rosario sa ginawang paglilipat ng pondo sa pilgrimage ng mga taga-Marawi.

The post COA ‘di puwedeng utusan sa P5M Marawi fund diversion appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *