Clinical test ilibre! PH bet gulangan ng Sinopharm

Gusto umano ng Sinopharm na tustusan ng gobyerno, ang kanilang clinical trial sa Pilipinas.

The post Clinical test ilibre! PH bet gulangan ng Sinopharm first appeared on Abante.

clinical test ilibre ph bet gulangan ng sinopharm - Clinical test ilibre! PH bet gulangan ng Sinopharm
Sinopharm - Clinical test ilibre! PH bet gulangan ng Sinopharm

Gusto umano ng Sinopharm na tustusan ng gobyerno, ang kanilang clinical trial sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Department of Science and Technology(DOST) matapos itanggi ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya na pinatigil ang clinical trial ng sinopharm.

“The DOH categorically denies these baseless accusations and clarifies that the country’s participation in several clinical trials including that of Sinopharm’s was approved by the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) as early as May, as resolved in the IATF-EID Resolution No. 39 dated 22 May 2020,”ayon sa isang joint statement ng DOH kasama ang DOST at Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa DOST may proposal umano ang Sinopharm sa DOST , una ay ang pagsasagawa ng clinical trial na gagastusan ng Pilipinas at kailangang kilalanin ng Pilipinas ang approval/authorization na mula sa kanilang bansa.

Nabatid na sumulat ang DOST sa Sinopharm at sinabi na popondohan lamang ng Pilipinas ang clinical trial ng World Health Organization’s Solidarity Trial.

Gayunman, hindi na sumagot ang Sinopharm sa liham ng DOST.

Sinabi rin ng FDA sa isang joint statement na hindi nagsumite ng aplikasyon para sa clinical trials o emergency use sa Pilipinas ang Sinopharm. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Clinical test ilibre! PH bet gulangan ng Sinopharm first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *