Climate crisis conference pagsasayang lang ng pera – Duterte

Minaliit lang ni P­angulong Rodrigo Duterte ang mga ginagawang pandaigdigang kumperensiya patungkol sa climate change o crisis.

The post Climate crisis conference pagsasayang lang ng pera – Duterte appeared first on Abante News Online.

climate crisis conference pagsasayang lang ng pera duterte - Climate crisis conference pagsasayang lang ng pera – Duterte
abante duterte 3 - Climate crisis conference pagsasayang lang ng pera – Duterte

Minaliit lang ni P­angulong Rodrigo Duterte ang mga ginagawang pandaigdigang kumperensiya patungkol sa climate change o crisis.

Sa kanyang talum-pati sa ginanap na 25th International Confe-rence on the Future of Asia sa Tokyo, Japan, sinabi ng Pangulo na nagsasayang lamang ng panahon at pera ang mga dumadalo sa kumperensiya dahil wala namang mga konkretong hakbang na nagagawa para mahadlangan ang epekto ng climate change.

Matagal ng pinag-uusapan aniya ang kalamidad, kamatayan ng maraming tao at iba pang sakunang maaring idulot ng pagbabago ng panahon na naranasan na ng Pilipinas.

Huwag na aniyang magbolahan dahil kahit paulit-ulit ang mga kumperensiya sa climate change ay hindi naman mapipigil ang kalamidad na dulot ng kalikasan.

“I said to the body, lets stop kidding each other. We are just w­asting the time and the money of the people coming back and forth to these conferences, which have not improved a bit since we started to talk about it,” anang Pangulo.

Matatandaang sinibak ng Pangulo ang ilang opisyal ng gobyerno dahil sa malimit na biyahe sa iba’t ibang bansa para dumalo sa mga kumperensiya patungkol sa climate change subalit wala naman aniyang pagbabago sa bansa kung ang epek-to ng climate change ang pag-uusapan.

May mas m­atinding problema aniya ang mundo bukod sa climate change dahil maraming bansa ang mayroong atomic at hydrogen bombs na kapag ginamit ay magiging katapusan ng mundo sa isang iglap.

“There are so many countries with so many bombs, atomic, hydrogen and all. If anyone of them would start to send one into the air, there’s a chance that it will be the end of the world. That’s why climate change does not really matter to us at all,” dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Climate crisis conference pagsasayang lang ng pera – Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *