Clean and green program sa QC may sagabal

NANGANGANIB umanong mabalam ang Clean and Green prog­ram na direktiba ng Department of  the Interior and Local Government (DILG) partikular ang paglilinis ng estero, ilog at kanal sa Quezon City.

The post Clean and green program sa QC may sagabal appeared first on Abante News Online.

clean and green program sa qc may sagabal - Clean and green program sa QC may sagabal
qc 1 - Clean and green program sa QC may sagabal

NANGANGANIB umanong mabalam ang Clean and Green prog­ram na direktiba ng Department of  the Interior and Local Government (DILG) partikular ang paglilinis ng estero, ilog at kanal sa Quezon City.

Ayon sa barangay official ng District 1 sa QC na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi umano nila maisasakatuparan ang paglilinis sa ilog at estero partikular sa Culiat Creek na nasasakop ng kanilang barangay dahil umano wala silang pondo para dito matapos umanong hindi mapirmahan ang development plan ng kanilang barangay.  
Nabatid pa na kailangan umanong dalhin pa ng mga barangay captain sa bahay ng isang opisyal sa lungsod ang kanilang development plan project para mapirmahan at mapondohan.

Hindi naman umano ito magawa ng mga chairman dahil sa pangambang mabahiran ng politika ang kanilang pagpapapirma lalo na’t kandidato ang pipirmang opisyal.

Nauna rito ay inatasan ni DILG Undersecretary Martin Diño ang mga barangay official na hulihin ang mga nagtatapon ng basura sa kanal, estero, ilog na upang maipatupad ang cleanup at rehabilitasyon sa Manila Bay.

The post Clean and green program sa QC may sagabal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *