Clan war: 3 todas

Tatlong lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek dahil umano sa clan war Martes nang hapon sa ba­yan ng Limba­yong, Sultan Kudarat.

clan war 3 todas - Clan war: 3 todas
dead 21 - Clan war: 3 todas

Tatlong lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek dahil umano sa clan war Martes nang hapon sa ba­yan ng Limba­yong, Sultan Kudarat.

Sa ulat na ipina­dala ni Police Lt. Col. Lino Capellan, tagapagsalita ng Police Regional Office 12 o Central Min­danao Region, napatay ang mag-amang Toton, 25-anyos, at Mike Ibad, 57, gayundin ang traysikel drayber na si Nhor Talib, pawang residente ng Barangay Namnaman ng ba­yan ng Limbayong.

Napag-alaman na dakong alas-kuwatro nang hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng national road sakop ng Barangay Maligaya.

Galing ang mag-amang biktima sa pagdinig ng kanilang kaso sa korte nang hara­ngin ng mga armadong suspek ang kanilang traysikel at walang sabi-sabing pagbabarilin ang mga ito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis nang tumakas ang mga suspek habang dead on-the-spot ang mga biktima.

Nakuha ng pulisya ang mga basyong bala ng ka­libre .45 baril na ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa mga biktima.

Isa sa tinitingnang anggulo ng pulisya sa pamamaslang ay rido o clan war su­balit patuloy pa itong iniimbestigahan ng awtoridad.

(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *