CJ Peralta tinodo alerto sa mga korte

Matapos mapatay ang isang hukom sa Maynila ay ipinag-utos ni Chief Justice Diosdado Peralta ang mahigpit na seguridad sa lahat ng hukuman sa Pilipinas.

The post CJ Peralta tinodo alerto sa mga korte first appeared on Abante.

cj peralta tinodo alerto sa mga korte - CJ Peralta tinodo alerto sa mga korte
Peralta - CJ Peralta tinodo alerto sa mga korte

Matapos mapatay ang isang hukom sa Maynila ay ipinag-utos ni Chief Justice Diosdado Peralta ang mahigpit na seguridad sa lahat ng hukuman sa Pilipinas.

Nauna rito ay binaril at napatay umano ng sarili niyang clerk of court si Judge Ma. Theresa Abadilla, 44, ng Manila Regional Trial Court Branch 45, sa loob mismo ng kanyang opisina sa Manila City Hall nitong Miyerkoles, Nobyembre 11.

Matapos umano ang ginawang krimen ay nagbaril naman sa sarili ang clerk of court na si lawyer Amador Rebato, Jr., 42.

Sa pahayag sinabi ni Peralta na bagama’t may mga security protocol na sa mga hukuman sa bansa ay inatasan niya si Court Administrator Jose Midas Marquez na magpatupad ng mga “stricter measure” para mapigilan ang mga kahalintulad na insidente at hindi na maulit pa. (IS)

The post CJ Peralta tinodo alerto sa mga korte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *