CJ Bersamin nagretiro na

TULUYAN nang nilisan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang Korte Suprema.

cj bersamin nagretiro na - CJ Bersamin nagretiro na
bersamin 1 - CJ Bersamin nagretiro na

TULUYAN nang nilisan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang Korte Suprema.

Kahapon, Oktubre 18, 2019 ang ika-70 taong kaarawan ni Bersamin at huling araw na rin niya bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Halos isang taon lamang nanilbihan bilang Chief Justice ng Supreme Court (SC) si Bersamin, pero mahigit sa tatlong dekada itong naglingkod sa Hudikatura.

Ayon kay Bersamin, nais niyang maaalala siya ng mga tao bilang ‘The Healing Chief Justice.’

Sa ngayon ay inaabangan na ang anunsyo mula sa Malacañang kung sino ang magiging bagong punong mahistrado ng Mataas na Hukuman.

Nauna nang isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga kandidato para sa posisyon. Sila ay sina Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes Jr.

Sakali namang hindi pa pangalanan ang bagong Chief Justice, si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang magiging OIC o pansamantalang pinuno ng Korte Suprema.

May 90-araw naman si Presidente Duterte para makapagtalaga ng kanyang napupusuan na maging pinakamataas na lider ng Judiciary.

Tumanggi naman ang SC na magbigay na reaskyon o anumang impormasyon kaugnay ng napapabalitang may napili na umanong papalit kay Bersamin ang Pangulo.

Nagkalat na rin sa internet at sa free online encyclopedia na Wikipedia ang pangalan ni Peralta bilang bagong CJ subalit wala pang kumpirmasyon. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *