Christine, suspek laplapan video kinalat

Pinagpistahan ng mga netizen ang kuha ng CCTV video kung saan makikita ang paghalik ng flight attendant na si Christine Dacera sa isa sa mga diumano’y suspek sa kanyang pagkamatay.

The post Christine, suspek laplapan video kinalat first appeared on Abante.

christine suspek laplapan video kinalat - Christine, suspek laplapan video kinalat
abante christine dacera - Christine, suspek laplapan video kinalat

Pinagpistahan ng mga netizen ang kuha ng CCTV video kung saan makikita ang paghalik ng flight attendant na si Christine Dacera sa isa sa mga diumano’y suspek sa kanyang pagkamatay.

Giniit naman ni Valentine Rosales, ang lalaking hinalikan ni Dacera, na hindi buo ang kuha ng video na unang kinalat sa mga ulat. Kaya naglabas ito ng buong kopya nito kasabay ng kanyang pahayag hinggil sa nabunyag na eksena.

“Eto full video without cuts para makita for everyones full transparency. Grabe media ha? Mag eedit nanaman hindi pinakita yung buo kina-cut lang.”

May apat na punto rin siyang diniin: “who initiated it?,” “how I tried to keep pressing the door bell so someone would open the door,” “my friends and I know how wild Tin can be when she’s drunk,” at “when I said, ‘Bes ano ka ba?’ after kissing.”

“Ako ang hinalikan excuse me #StopVictimBlaming,” sabi pa ni Rosales.

Kita sa video na hinalikan ni Dacera si Rosales na pinpindot naman ang door bell ng isang kwarto, madaling-araw noong Enero 1, ilang oras bago masawi ang biktima.

Kaugnay nito, humingi na ng mas maraming CCTV footage ang pamilya Dacera dahil hindi umano kita sa mga unang lumabas na video ang buong naganap bago ang pagkamatay ng dalaga.

“We are also asking for additional footages from different angles of the hotel because what the public saw in the social media, in the news items was a view from a particular side in that hotel,” saad ng abogado ng pamilya Dacera na si Jose Ledda III sa isang panayam.

Samantala, kinatigan ng Malacañang ang naging aksiyon ng Makati Prosecutors Office na palayain ang mga akusado sa Dacera rape-slay case at iutos sa Philippine National Police na palawigin pa ang imbestigayon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naaayon sa rules of criminal procedures at rules ng piskalya ang naging aksiyon ng City Prosecutors Office kaya hindi dapat mag-alala ang pamilya Dacera sa naging aksiyon ng korte.

“Huwag po kayong mag-alala kung ‘yung piskal ay nagdesisyon na kinakailangan magkaroon ng regular na preliminary investigation. ‘Yan po ay makakabuti dahil ang gusto ng piskal ay magkaroon ng additional na ebidensiya ng sa gayon kapag naisampa ang kaso, dire-diretso na po sa Muntinlupa ang mga magiging akusado,” ani Roque.

Tiniyak ng Palasyo na makakamit ang katarungan sa pagkamatay ni Christine Dacera dahil hindi hahayaan ng Pangulo na matulog ang kaso sa ilalim ng kanyang administrasyon. (Aileen Taliping)

The post Christine, suspek laplapan video kinalat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *