Choosy sa bakuna huli sa pila-Palasyo

Hindi ipipilit ng gobyerno sa ang COVID vaccine kung ayaw nila ang produkto ng isang pharmaceutical company na ituturok sa mga ito.

The post Choosy sa bakuna huli sa pila-Palasyo first appeared on Abante.

choosy sa bakuna huli sa pila palasyo - Choosy sa bakuna huli sa pila-Palasyo
abante palace - Choosy sa bakuna huli sa pila-Palasyo

Hindi ipipilit ng gobyerno sa ang COVID vaccine kung ayaw nila ang produkto ng isang pharmaceutical company na ituturok sa mga ito.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles kasunod ng pag-alma ng publiko sa naging pahayag ng Palasyo na hindi puwedeng mamili kung anong brand ng bakuna ang ituturok sa mga ito.

Sinabi ni Nograles na kung ayaw ng mga tao ang brand na bakuna, kinakailangang i-waive ang kanilang slot at ilalagay sila sa pinakadulo ng listahan.

“We will not force you, you can waive. But understand that when u waived, you will have to give your slot to the next in line and you will have to go to the end of the line,” ani Nograles.

Sinabi ng kalihim na dapat intindihin ng publiko na hindi madaling makakuha ng bakuna dahil nag-uunahan ang halos lahat ng bansa sa mundo sa COVOD vaccine kaya dapat samantalahin ang oportunidad na mabigyan ng bakuna.

Iginiit ni Nograles na pumasa sa mga standards ang mga bakunang gagamitin ng bansa at nakamonitor ang World Health Organization (WHO) kaya hindi dapat na mag-alangan ang publiko.

“We are being monitored by WHO. These are brands that have passed the FDA of other countries. Lahat ng kinakausap natin pumasa na ng FDA ng ibang bansa,” dagdag ni Nograles. (Aileen Taliping)

The post Choosy sa bakuna huli sa pila-Palasyo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *