Choir bawal sa Simbang Gabi

Hindi lusot ang choir sa mga simbahan sa pinatupad na `singing ban’ ngayong holiday season para mapigilan ang hawaan sa COVID-19, pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

The post Choir bawal sa Simbang Gabi first appeared on Abante.

choir bawal sa simbang gabi - Choir bawal sa Simbang Gabi
abante simbang gabi 1 - Choir bawal sa Simbang Gabi

Hindi lusot ang choir sa mga simbahan sa pinatupad na `singing ban’ ngayong holiday season para mapigilan ang hawaan sa COVID-19, pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, may mga ebidensya na mas kumakalat ang virus na puwedeng pagmulan ng COVID-19 dahil sa pag-awit.

“Kapag nagbigay tayo ng ganitong protocol, hindi ito nililimitahan sa karaoke kasi marami pang pagkakataon na tayo ay kumanta sa public places. Mayroon pong ebidensiya na kapag tayo ay kumakanta, mas maraming viral particles ang nailalabas sa ating katawan kung tayo ay maysakit,” paliwanag ni Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na hindi exempted sa `singing ban’ ang mga choir at nakikipag-ugnayan na umano ang DOH sa Simbahang Katolika para ipatupad ang minimum public health standard ngayong mas madalas dumalo sa misa ang mga tao dahil sa Simbang Gabi.(Juliet de Loza-Cudia/Raymark Patriarca)

The post Choir bawal sa Simbang Gabi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *