Chinese POGO na tax evader ikandado!

INUTUSAN ni Finance­ Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Internal Revenue na isara ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator at kanilang mga service provider na hindi nagbabayad ng buwis ng kanilang mga foreign worker at kasuhan sila ng tax evasion.

chinese pogo na tax evader ikandado - Chinese POGO na tax evader ikandado!
PoGO - Chinese POGO na tax evader ikandado!

INUTUSAN ni Finance­ Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Internal Revenue na isara ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator at kanilang mga service provider na hindi nagbabayad ng buwis ng kanilang mga foreign worker at kasuhan sila ng tax evasion.

Ayon sa DoF, nababagalan si Dominguez sa pagbayad ng mga POGO ng withholding income tax ng kanilang mga manggagawa kahit nakapag-isyu na ang BIR ng 130 na letter of notice sa mga ito na naniningil sa kanila ng P21.62 bilyon.

Sa ngayon, P175 milyon pa lang ang binabayad na withholding­ tax ng mga POGO service provider para sa taong 2017 at P579 milyon pa lamang para sa 2018, sabi ni BIR deputy commissioner Arnel Guballa.

“Why don’t we start closing them down so they will answer these assessments”, sabi ni Dominguez sa pulong ng interagency task force na nagmo-monitor ng pagpasok ng mga foreign worker sa bansa.

“Those who don’t pay or respond to your assessments, clamp them down.” diin ng kalihim.

Mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, P1.4 bilyon na ang kinubra ng BIR sa mga POGO.

Utos ni Dominguez sa BIR, siguraduhing bayad ang buwis ng bawat dayuhang nagtatrabaho sa POGO at huwag makikipag-areglo para sa mga kakulangang bayad ng buwis.

“The collection should be per individual…You force the issue and you bring them to court. I mean, close them down”, sabi ni Dominguez sa BIR.

Nauna nang kinalampag ng Chinese government ang Pilipinas na isara ang mga POGO dahil sa marami sa kanilang mamamayan ang naaadik sa sugal kahit ipinagbabawal ito sa kanila.

Tumalima naman ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at pinatigil ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga bagong POGO.

(Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *