Chinese POGO lumobo sa ‘Pinas

AGAD tumalon sa Pilipinas ang mga offshore gaming companies na nasa Cambodia nang sinabihan sila ng China na itigil na ito.

chinese pogo lumobo sa pinas - Chinese POGO lumobo sa ‘Pinas
PoGO - Chinese POGO lumobo sa ‘Pinas

AGAD tumalon sa Pilipinas ang mga offshore gaming companies na nasa Cambodia nang sinabihan sila ng China na itigil na ito.

Ayon kay David Leechiu, president and CEO ng Leechiu Property Consultants, nakasara agad ng kontrata para sa 200,000 square meters ng office space mula sa mga nagre-relocate na offshore gaming companies mula Cambodia ang Pilipinas sa loob lamang ng tatlong linggo dahil doon.

Sa ngayon, ang offshore gaming companies na ang may pinakama­laking market para sa office space sa bansa at nalampasan na ng mga ito ang business process outsourcing, sabi ni Leechiu.

Ang maganda pa sa mga offshore gaming companies, okay lang sa kanila mag-advance ng renta kahit na tatlong taon pa at sige-sige lang ang pagkuha nila ng mga office space.

Sabi ni Leechiu, pang-apat ang Metro Manila sa pinakamalalakas ang real estate market sa mundo, lalo na pagda­ting sa office space.

Simula noong Enero hanggang ngayong Set­yembre, 990,000 square meters na ang naisarang deal para sa office space rental sa Metro Manila, mas malaki ng 25% kumpa­ra sa 790,000 square meters na naitala noong parehong panahon ng 2018.

Sabi ni Leechiu, ka­yang-kaya nitong maabot 1.2 million square meters na nai-record nu’ng 2018 nga­yong taon at maari pa nitong lampasan pa.

Ang offshore gaming companies ang nagpapasigla ng demand para sa office space kasama ng information technology-business process outsourcing.

Kahit sinuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga bagong Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), patuloy ang paglaki ng demand sa mga office space.

Sakaling isara ang mga offshore gaming companies sa bansa, sabi ni Leechiu, kakayanin ng BPO kuhanin ang mga mabibitawang espasyo ng mga ito.

Nanawagan na ang China sa Duterte admi­nistration na ipasara ang mga POGO dahil marami sa kanilang kababayan ang nalululong sa sugal at gumagawa ng mga krimen dahil dito. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *