Chinese na umihi sa pader, nanugod ng tanod ipapa-deport ni Isko

Chinese na umihi sa pader, nanugod ng tanod ipapa-deport ni Isko

NAIS ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ na sipain palabas ng bansa ang isang Chinese na umano’y umihi sa pader at nanugod ng isang barangay tanod.

The post Chinese na umihi sa pader, nanugod ng tanod ipapa-deport ni Isko appeared first on Abante News Online.

chinese na umihi sa pader nanugod ng tanod ipapa deport ni isko - Chinese na umihi sa pader, nanugod ng tanod ipapa-deport ni Isko
isko 14 - Chinese na umihi sa pader, nanugod ng tanod ipapa-deport ni Isko

NAIS ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ na sipain palabas ng bansa ang isang Chinese na umano’y umihi sa pader at nanugod ng isang barangay tanod.

Ayon kay Domagoso ang naturang dayuhan ay nakitang umihi sa isang pader.

Nang tangkaing pigilin ng barangay tanod ay nagalit ito at sinugod ang tanod.

“Mga dayuhan, hindi mahalaga kung anong bansa kayo galing. Kung pupunta kayo ng Maynila, sundin ang mga simpleng panuntunan. At sa palagay ko iyon ay karaniwang tinatanggap na panuntunan na hindi ka umihi sa mga lansangan,”

“Ikaw ay aarestuhin dahil ito ay ipinagbaba­wal,” babala ng alkalde.
“Kung mananakit ka ng aming enforcer, tangkaing manakit ng aming mga pulis sapagkat ikaw ay isang superpower, hindi ka welcome sa Manila,” dagdag pa ni Domagoso.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Article 148 ng Revised Penal Code ang suspek na si Chito Villaluz y Keng, 45-anyos.

Sinabi pa ni Do­magoso na hihilingin niya sa Bureau of Immigration (BI) na i-deport ang naturang Intsik.

Aniya, ilang mga krimen sa Maynila ang bumaba matapos ang kampanya nitong linisin ang mga kalye at sidewalk ng mga sagabal sa lungsod habang hinihintay ang aktuwal na bilang.

Partikular na binanggit ni Moreno ang Recto, Soler at Juan Luna bilang mga lugar kung saan may mga insidente ng snat­ching ay iniulat na buma­ba. (Juliet de loza-Cudia/Mina Aquino)

The post Chinese na umihi sa pader, nanugod ng tanod ipapa-deport ni Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *