Chinese language ituturo sa mga pulis

11 chief of police sa Ilocos Norte sinabon

Plano ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) na pag-aralin ng Chinese language ang ilan nilang pulis upang mapabilis ang proseso ng mga gambling related kidnapping cases na kinasasangkutan ng mga foreigner partikular ng mga Chinese national.

chinese language ituturo sa mga pulis - Chinese language ituturo sa mga pulis
pulis 2 - Chinese language ituturo sa mga pulis

Plano ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) na pag-aralin ng Chinese language ang ilan nilang pulis upang mapabilis ang proseso ng mga gambling related kidnapping cases na kinasasangkutan ng mga foreigner partikular ng mga Chinese national.

“Currently, we have to ask for the assistance of some groups to send interpreters in the conduct of our investigation, especially in getting the statements from the victims, suspects and witnesses who could not speak and understand Filipino and English,” pahayag ni AKG director Police Col. Jonnel Estomo.

Sa ngayon, ang PNP-AKG ay humihingi ng tulong sa mga non-government organization (NGO) katulad ng Movement for Restoration of Peace ang Order (MRPO) at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) para sa mga interpreter.

Matatandaang mula 2017, nakapagtala na ang AKG ng 53 kaso ng kidnapping. Kung saan 57 turistang chinese ang nabiktima habang 119 Chinese national naman ang naaresto.

Sa ngayon ay inaayos pa ng AKG ang draft at guideline kung paano ang implimentasyon ng polisiya at training ng ilang police personnel para sa pag-aaral ng chinese language habang nangako naman ang pamahalaan ng China na susuporta sila sa proyekto ng ahensiya. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *