Chinese gov’t–HK police sanib-puwersa vs raliyista

HANDANG sumaklolo ang Chinese government sa Hong Kong Police kasunod ng karahasang nangyari kamakailan na ikinasugat ng dose-dosenang katao at pagkaaresto ng mahigit 30.

chinese govt hk police sanib puwersa vs raliyista - Chinese gov’t–HK police sanib-puwersa vs raliyista
ABANTE HK Police - Chinese gov’t–HK police sanib-puwersa vs raliyista

HANDANG sumaklolo ang Chinese government sa Hong Kong Police kasunod ng karahasang nangyari kamakailan na ikinasugat ng dose-dosenang katao at pagkaaresto ng mahigit 30.

“It’s not only the China central government’s authority but also its responsibility to intervene when riots take place in Hong Kong,” bahagi na pahayag ng Chinese government sa Xinhua News Agency.

Ito ay may kaugnayan sa naging komento ni dating leader Deng Xiaoping at iginiit na kailangang kumilos ng Beijing sa nangyayaring karahasan na nasa ika-12 linggo na.

Matatandaang nitong Linggo, Agosto 25 ay sumiklab ang karahasan sa Hong Kong nang gumamit ng water cannon ang mga kapulisan para itaboy ang mga nag-aalsang raliyista habang gumamit naman ng mga petrol bomb at bricks ang mga ito.

Samantala, nabatid na inihahanda na ang libo-libong miyembro ng People Armed Police para sa large-scale military exercise sa Shenzhen stadium­ bilang paghahanda sa posibleng deployment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *