Chinese drug lord umiskapo sakay ng PAL-Lucio Tan

PAL-Lucio pahirapan mag-refund

ISANG commercial airline ang sinakyan ng Chinese drug lord palabas ng Pilipinas noong Abril matapos masakote ng mga awtoridad ang pinuslit nitong 276 kilo ng shabu na nagkakahalaga P1.8 bilyon, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

The post Chinese drug lord umiskapo sakay ng PAL-Lucio Tan appeared first on Abante News Online.

chinese drug lord umiskapo sakay ng pal lucio tan - Chinese drug lord umiskapo sakay ng PAL-Lucio Tan
PAL 1 - Chinese drug lord umiskapo sakay ng PAL-Lucio Tan

ISANG commercial airline ang sinakyan ng Chinese drug lord palabas ng Pilipinas noong Abril matapos masakote ng mga awtoridad ang pinuslit nitong 276 kilo ng shabu na nagkakahalaga P1.8 bilyon, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Sa isang privilege speech noong Miyerkoles nang hapon, Mayo 29, sinabi ni Lacson na sumakay ng Phi­lippine Airlines (PAL) flight si Zhijian Xu alyas ‘Jacky Co noong Abril 3 ng kasalukuyang taon matapos masabat ang shipment niya ng droga noong Marso.

Nakalusot siya sa immigration personnel ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na nasa watchlist ito ng Interpol at wan­ted sa China.

“What is interestin­g is that during the time of the said shipment, Jacky Co was in the country monito­ring. Even revolting is, in spite of his alleged involvement in criminal activities here and in China, he had left Manila via Philippine Airlines flight bound for Vietnam passing through Singapore on April 3, 2019, few days after the seizure of his shipment of drugs,” saad ni Lacson.

“Hindi na nga nagmadaling tumakas, kampante pang lumipad mula sa NAIA,” dagdag pa niya.

Handa namang imbestigahan ng BI ang rebelasyon ni Lacson na may mga Chinese national na nasa Interpol watch-list ang nakakapaglabas-pasok sa bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng BI na si Dana Sandoval, iniutos na ni Commissioner Jaime Morente ang pagsisiyasat matapos malaman ang kaso ni Jacky Co noong nakaraang araw.

Aniya nakatanggap ng impormasyon ang BI at agad iniutos ng komisyuner ang im­bestigasyon nito.

Sinabi ni Sandoval na ang resulta ng im­bestigasyon ay inaasahang lalabas sa mga susunod na araw.

Ngunit binanggit ni Sandoval na sa datos ng BI, walang nakitang “interpol hit” o travel record si Co.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa tanggapan ng senador upang malinawan ang isyu, ayon kay Sandoval.

“Baka po may ibang pangalan na ginagamit ito o spelling ng kanyang pangalan,” dagdag pa nito.

Bineberipika na rin ng Philippine National Police (PNP) ang rebelasyon ni Lacson.

“Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ‘yung record natin tungkol sa pagkakakilanlan ng taong ito. Kasalukuyan tayong nagbe-verify kung ano ang kanyang background at ano ang meron tayo sa records natin,” ayon kay PNP spokesman Police Colonel Bernard Banac. (Mina Aquino)

The post Chinese drug lord umiskapo sakay ng PAL-Lucio Tan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *