Chinese dredging vessel naispatan sa Batangas

NAMATAAN sa karagatang sakop ng Lobo, Batangas ang isang Chinese dredging vessel na hinihinalang kumukuha ng buhangin sa protected marine area ng nasabing bayan.

The post Chinese dredging vessel naispatan sa Batangas appeared first on Abante News Online.

chinese dredging vessel naispatan sa batangas - Chinese dredging vessel naispatan sa Batangas
abante Batangas - Chinese dredging vessel naispatan sa Batangas

NAMATAAN sa karagatang sakop ng Lobo, Batangas ang isang Chinese dredging vessel na hinihinalang kumukuha ng buhangin sa protected marine area ng nasabing bayan.

Kamakalawa nang hapon ay nagsagawa ng inspection ang magkakasamang unit ng Phi­lippine Coastguard, PNP Maritime group, Batangas PNP at Lobo Police station at mga tauhan ng DENR ang naturang sasak­yang pandagat sa karagatang sakop ng Brgy. Lagadlarin.

Ayon sa Lobo police, siyam na pawang Chinese national ang crew ng sasakyan na may pa­ngalang Emerald Dred­ging Vessel at may IMO o ship identification number na 8669652.

Nakapagpakita ng kanyang seaman book, passport at visa ang mga tripulante at ang kapitan ng vessel na kinilalang si Li Yongping.

Wala namang nakitang paglabag ang mga awtoridad sa nasabing dredging vessel.

Ayon sa mga sakay ng vessel, naka-standby lamang sila sa na­sabing bahagi ng karagatan habang hinihintay na maaprubahan ng mga kinauukulan ang permit ng kanilang kompanya para isang dredging project sa hindi tinukoy na lugar. (Ronilo Dagos)

The post Chinese dredging vessel naispatan sa Batangas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *