Chinese crew swak sa ₱61m multa

Maaring umanong patawan ng multang US$1.2 milyon o katumbas ng P61 milyon ang Chinese vessel na nagpalubog sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda dahil sa paglabag sa Republic Act 10654 bunsod nang pagpasok ng mga ito sa teritor­yong sakop ng Pilipinas.

The post Chinese crew swak sa ₱61m multa appeared first on Abante News Online.

chinese crew swak sa e282b161m multa - Chinese crew swak sa ₱61m multa
fihermen - Chinese crew swak sa ₱61m multa

Maaring umanong patawan ng multang US$1.2 milyon o katumbas ng P61 milyon ang Chinese vessel na nagpalubog sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda dahil sa paglabag sa Republic Act 10654 bunsod nang pagpasok ng mga ito sa teritor­yong sakop ng Pilipinas.

Kasabay nito, nanawagan si Senate Minority­ Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang nasabing batas para pagbayarin ang mga Chinese crew sa ginawa nilang paglabag sa batas ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Drilon na sa ilalim ng Section 91 ng RA 10654, ang pagpasok ng sinumang fo­reign vessel sa Philippine waters ay isang ‘prima facie’ o malinaw na ebidensya na sangkot ang mga ito sa illegal fishing.

“They could contest the facts surrounding the sinking of the Filipino fishing boat by that Chinese vessel. But the fact that Chinese vessel illegal encroached upon Philippine waters is unconstestable. And for that, the government can penalize them,“ paliwanag ng dating Senate President.

“The Congress provided more teeth to the Fishe­ries Code precisely to prevent abuses of our Phili­ppine waters, preserve our marine and aquatic resources, and protect the livelihood of our siher folks. We call on the executive to implement the law,” diin ng senador..

Nakasaad sa RA 10654 na matapos ang summary finding sa administrative liability, sinumang dayuhan, korporasyon o entity, na napanatuyang lumabag ay papatawan ng multang US$600,000 hanggang US$1 million o ang katumbas na halaga nito sa Philippine peso.

At sa sandaling masentensyahan ng korte, sinabi ni Drilon na ang nagkasala ay pagbabayarin ng US$1.2 milyon o katumbas na halaga sa Philippine currency, bukod sa pagkumpiska sa huli, kagamitan at sa mismong fishing vessel.

“Section (2)of the Fisheries Code specifically declares it a policy of the State to ‘limit access to the fishery and acquatic resources of the Philippines for the exclusive use and enjoyment of Filipino citizens.” Ang nasabing batas ay inamyendahan ng RA 10654 at sa bagong bersyon, kasama ang probisyon na nagpapalakas sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Samantala, nangangamba rin si Drilon at Senador Kiko Pangilinan sa posibleng maging epekto sa bansa ng joint investigastion sa insidente sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Drilon na posibleng magpahina sa maritime claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang joint probe habang iginiit ni Pangilinan na labag ito sa fisheries code ng Pilipinas

“I am opposed to a joint investigation with China. We should not allow it.

The law is on our side. There are clear violations of international treaties and our local laws committed by the Chinese vessel. A joint investigation will only serve their inte­rest, not ours,” saad ni Drilon.
“A joint investigation would derogate our jurisdiction and prejudice our claim in the WPS,” dagdag ng senador.

Ipinaalala ni Drilon na ang Recto Bank ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas. (Dang Samson-Garcia)

The post Chinese crew swak sa ₱61m multa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *