China pipiyok sa mga kilos protesta sa HK

china

BABASAGIN na ng China ang pananahimik sa mga serye ng kilos protesta sa Hong Kong mula pa noong Hunyo.

china pipiyok sa mga kilos protesta sa hk - China pipiyok sa mga kilos protesta sa HK
china1 - China pipiyok sa mga kilos protesta sa HK

BABASAGIN na ng China ang pananahimik sa mga serye ng kilos protesta sa Hong Kong mula pa noong Hunyo.

Kumilos na ang China matapos sumiklab ang kaguluhan sa pro-democracy rally nitong Linggo kung saan tinatayang 50 katao ang inaresto.

Ito’y matapos sugurin ng mga demonstrador ang liaison office ng China sa Hong Kong sa ikalawang sunod na weekend.

Isang press conference ang itinakda ng Hong Kong and Macau Affairs Office (HKMAO) na nasa ilalim ng State Council upang makapagbigay ng posisyon at pananaw ang Beijing sa mga nangyayari sa HK.

Ito ang unang pagkakataon na ang HKMAO ay magdaraos ng press briefing sapul nang i-turnover ng Britain ang Hong Kong sa China.

Napadalas ang mga kilos protesta sa Hong Kong matapos pag-usapan ng mga mambabatas ang extradition bill. Kahit isinantabi na ang panukala, nagpatuloy pa rin ang mga kilos protesta kung saan nananawagan na ang mga demonstrador ng demokrasya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *