China pinakamalaking trading partner ng PH — Duterte

ANG bansang China na ang pinakamalaking trading­ partner at pangu­nahing pinagmumulan ng foreign investment ng Pilipinas.

The post China pinakamalaking trading partner ng PH — Duterte appeared first on Abante News Online.

china pinakamalaking trading partner ng ph duterte - China pinakamalaking trading partner ng PH — Duterte
Abante 2019 PH China - China pinakamalaking trading partner ng PH — Duterte

ANG bansang China na ang pinakamalaking trading­ partner at pangu­nahing pinagmumulan ng foreign investment ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati Huwebes nang gabi matapos saksihan ang palitan ng mga nilagdaang kasunduan sa pagnenegosyo sa Beijing, China.

Sinabi ng Pangulo na dahil sa mga bagong naselyuhang mga kontrata at mga kasunduan ay ang China na ang panguna­hing pinanggagalingan ng dayuhang pamumuhunan.

Ang mga bagong pamumuhunan ay dahil sa dinaluhang Belt and Road Forum sa Beijing na angkop sa mga isinusulong na proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte adminis­tration.

Kabilang sa mga bagong pamumuhunan ay sa larangan ng manufacturing na inaasahang magbibigay ng dagdag na trabaho sa mga Pilipino.

“China is now our largest trading partner and a major source of foreign investments. The Belt and Road Initiative , which we welcome,complements our massive push for infrastructure development under the Build, Build, Build program,” anang Pangulo.

Ang mga bansang Japan, United States, Singapore, South Korea, Hongkong at iba pang bansa ang dating nasa unang listahan, subalit naungusan na sila ng China bilang major trading partner ng Pilipinas.

Sinabi pa ng Presidente na bukas ang Pilipinas para sa mga responsableng foreign investor bilang partner para sa pag-unlad ng bansa. (Aileen Taliping)

The post China pinakamalaking trading partner ng PH — Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *