China kay Duterte: POGO durugin!

KINALAMPAG ng China ang administrasyong Duterte na parusahan ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil sa iligal na pagkuha sa mga Chinese worker.

china kay duterte pogo durugin - China kay Duterte: POGO durugin!
ABANTE duterte pogo - China kay Duterte: POGO durugin!

KINALAMPAG ng China ang administrasyong Duterte na parusahan ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil sa iligal na pagkuha sa mga Chinese worker.

Ayon sa Embahada ng China, naeengganyo ang kanilang mamamayan sa mainland China na magsugal sa online casino ng mga POGO.

Tina-target umano ang mga Intsik dahil maraming pera na ang lumalabas sa China at napupunta sa mga POGO.

Sabi ng Embahada ng China, umaabot na ito sa “hundreds of millions of yuan (renminbi).”

Bintang pa ng China, ang mga “illegal gambling money” na ito ay pumasok na sa real estate market at iba pang sektor sa Pilipinas.

“The Chinese side hopes and urges relevant departments of the Philippine government to pay more attention to China’s position and concerns and take concrete and effective measures to prevent and punish the Philippine casinos, POGOs and other forms of gambling entities for their illegal employment of Chinese citizens and crack down related crimes that hurt Chinese citizens,” sabi ng China.

Pinalagan din ng China ang plano ng Phi­lippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na ilagay ang mga Intsik na nagtratrabaho sa POGO sa mga ‘self-contained communities’ dala ng maraming reklamo tungkol sa kawalan nila ng urbanidad.

Bunsod ito ng pahayag ni Pagcor chair Andrea Domingo na dadalhin nila ang mga Chinese worker sa dalawang POGO hub sa Clark, Pampanga at Kawit, Cavite na parehong pinapatakbo ng gaming firm Oriental Group.

Nabatid na ang 10 ektaryang POGO hub sa Clark ay operational na, samantalang ang 20 ektaryang pasilidad sa Cavite ay bubuksan pa lamang.

Ayon sa China, inoobliga nila ang kanilang mamamayan na na­ngibang-bansa na sumunod sa batas at patakaran ng bansa kung nasaan sila at huwag magtratrabaho ng iligal sa ibang mga bansa.

Dagdag pa ng Embahada ng China, ina­api ang kanilang mga mamamayan na nagtratrabaho sa POGO dito na binansagan pa nito bilang pang-aalipin.

“Many of the Chinese citizens working illegally in Philippine casinos or POGOs and other forms of gambling entities are subjected to what media described as “modern slavery” due to severe limitation of their personal freedom. Their passports are taken away or confiscated by the Philippine employers,” sabi pa nito.

“They are confined to to live and work in certain designated place­s and some of them have been subjec­ted to extortion, physical abuse, and torture as well as other ill treatments,” sabi ng embahada ng China. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *