China isama sa travel ban

“Nakumpirma na na may new COVID-19 strain sa Tsina. Bakit di pa rin ito kasali sa listahan ng travel ban?”

The post China isama sa travel ban first appeared on Abante.

china isama sa travel ban - China isama sa travel ban
china 2 - China isama sa travel ban

“Nakumpirma na na may new COVID-19 strain sa Tsina. Bakit di pa rin ito kasali sa listahan ng travel ban?”

Ito ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros kasabay ng panawagan sa Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) na irekomenda na isama ang China sa listahan ng mga bansang pinagbawalang makapasok sa bansa para mapigilan ang pagpasok ng bagong COVID-19 variant.

“Tigilan na ang kababalaghan. Bakit exempted ang China? Natatakot nanaman ba tayong masaktan ang damdamin nito? Unahin naman natin ang Pilipinas,” sabi ni Hontiveros.

Kasunod ng rekomendasyon ng DOH at DFA, isinama ng Office of the President ang US sa listahan ng mga bansang kasama sa travel restriction kasunod ng pagtaas ng bagong kaso sa naturang bansa.

Sabi ni Hontiveros, kung isinama sa listahan ang US, dapat isama din ang China.

“Lubos na nakakahawa ang new variant na ito. Huwag na nating hintayin na maghingalo pa ang ating mga ospital at mahirapan pa ang ating mga nars at doktor bago umaksyon,” ayon kay Hontiveros.

Nauna nang kinumpirma ng China na isang 23-anyos na babae na nagmula sa United Kingdom ang nagpositibo sa bagong COVID-19 strain.

“Matuto naman tayo. We already know that a temporary travel ban can buy us time to prepare for any potential outbreaks of the new variant. Ang ban ay isa lang sa napakaraming hakbang na dapat ginagawa na natin para mag-ingat at mapanatiling ligtas ang mga Pilipino,” sabi ni Hontiveros. (Dindo Matining)

The post China isama sa travel ban first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *