China ‘di puwedeng awayin dahil sa 400K OFW — Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kapakanan ng may apat na daang libong Pilipinong nagtatrabaho sa China ang dahilan kaya hindi niya maaway ang China.

The post China ‘di puwedeng awayin dahil sa 400K OFW — Duterte appeared first on Abante News Online.

china di puwedeng awayin dahil sa 400k ofw duterte - China ‘di puwedeng awayin dahil sa 400K OFW — Duterte
ABANTE duterte1 - China ‘di puwedeng awayin dahil sa 400K OFW — Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kapakanan ng may apat na daang libong Pilipinong nagtatrabaho sa China ang dahilan kaya hindi niya maaway ang China.

Sa kanyang talumpati sa Araw ng Pasasalamat para sa Overseas Filipino Workers na ginanap sa Kampo Aguinaldo noong Biyernes nang gabi, sinabi ng Pangu­lo na sinisikap niyang maging kalmado para hindi maapektuhan ang kalagayan ng mga OFW sa nabanggit na bansa.

Sinabi ng Presidente na palaaway siyang tao pero nagdadahan-dahan siyang bumanat dahil iniisip niya ang kapakanan ng mga manggawang Pinoy na nasa iba’t ibang bansa.

“Ako nagda-dahan dahan lang na makipag-ano sa kanila because marami na ang Pilipino sa China. Almost like 400,000, I cannot just…Palaaway man ako pero I have to think of Filipinos everywhere,” anang Pangulo.

Marami aniyang mga politikong nag-uudyok para awayin niya ang China subalit kailangang isipin at isaalang-alang ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa China at iba pang mga bansa.

Matatandaang minsan ng nagalit si Pangulong Duterte sa gobyerno ng Kuwait matapos mapatay ang isang OFW na isinilid sa freezer ng kanyang mga amo at ipinatigil pansamantala ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy.

Sa kaso naman ng China, hindi OFW ang dahilan ng kontrobersiya kundi ang mga pinag-aagawang teritor­yo sa West Philippine Sea. (Aileen Taliping)

The post China ‘di puwedeng awayin dahil sa 400K OFW — Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *