Chief of staff ni Honasan ninakawan

NAPAGNAKAWAN ang chief of staff ni Senador Gregorio Honasan makaraang pasukin ang tahanan nito sa Brgy. Baluarte, Gapan City, Nueva Ecija noong Sabado nang gabi.

The post Chief of staff ni Honasan ninakawan appeared first on Abante News Online.

chief of staff ni honasan ninakawan - Chief of staff ni Honasan ninakawan
abante honasan - Chief of staff ni Honasan ninakawan

NAPAGNAKAWAN ang chief of staff ni Senador Gregorio Honasan makaraang pasukin ang tahanan nito sa Brgy. Baluarte, Gapan City, Nueva Ecija noong Sabado nang gabi.

Dakong alas-5:30 na ng umaga noong Linggo nang matuklasan ng biktimang si Celia Sunga Marasigan, 56, na nawawala ang mamahaling bag na naglalaman ng wallet na may humigit kumulang sa P300,000 mga identification card (ID), Landbank ATM card at cellphone.

Agarang humingi ng tulong ang biktima sa mga opisyal ng Brgy. Baluarte at Brgy. Pulo, San Isidro, Nueva Ecija.

Ayon kay Police Lt. Colonel Crizelda de Guzman narekober ang bag at tatlong cellphone dahil sa tulong ng GPS ng mga cellphone.

Subali’t ang pera, mga ID at ATM card ay hindi na narekober at inaalam pa kung sino ang nasa likod nang nagnakaw sa bahay ng staff ni Sen. Honasan. (Jojo de Guzman)

The post Chief of staff ni Honasan ninakawan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *