Cherie Gil suportado si Ellen DeGeneres kontra Brunei

Sumama na rin sa panawagang boycott ni Ellen DeGeneres ang award-winning character actress na si Cherie Gil.

The post Cherie Gil suportado si Ellen DeGeneres kontra Brunei appeared first on Abante News Online.

cherie gil suportado si ellen degeneres kontra brunei - Cherie Gil suportado si Ellen DeGeneres kontra Brunei
cherie 1 - Cherie Gil suportado si Ellen DeGeneres kontra Brunei

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Cherie Gil suportado si Ellen DeGeneres kontra BruneiSumama na rin sa panawagang boycott ni Ellen DeGeneres ang award-winning character actress na si Cherie Gil.

Ni-repost nito ang social media calling ng Hollywood celebrity talk show host ng boycott sa lahat ng mga businesses o establishments na pag-aari ng Brunei.

Ang pagkalampag na “boycott” ni Ellen ay upang iparating­ sa Sultan ng Brunei ang pagtutol nito sa batas nitong­ “batuhin hanggang sa mamatay” ang sinumang gay sa kanilang bansa.

Nakasulat sa post ni Ellen ang listahan ng mga hotel sa buong mundo na pag-aari ng Brunei Royal family.

Ang naturang post ay saktong nakaposte sa IG wall ni Cherie, bilang suporta sa LGBT+ community hindi lang sa Brunei kundi sa buong mundo.

Antoinette mas type maging basurera

Sa halip na maging abala sa acting career niya, mas binigyang-atensyon ni Antoinette Taus ang pagiging basurera.
Frontliner ang dating child star at ex ni Dingdong Dantes sa pagpapalaganap ng cleaner environment.

Nagawa nang pangunahan ni Antoinette ang paglilinis sa Manila Bay, kasama ang ibang volunteer.

Ngayon naman, ang paghahakot ng basura sa Tullahan River ang pinagkaabalahan nito.

Mapapanood sa video ang paghila ni Antoinette ng mga nakuhang basura sa tubig habang sakay ng plastic boat.

‘Di alintana ni Antoinette ang baho ng tubig, ang mikrobyong kakapit sa kanyang balat o ang posibleng pagtaob ng bangka habang sakay siya.

Pinupuri naman si Antoinette sa kanyang advocacy na linisin ang dagat at mga polluted river sa buong Metro Manila.

Katunayan, bumabandera ang pangalan ni Antoinette internationally dahil sa malasakit nito sa environment.

Hindi man sikat si Antoinette sa showbiz ngayon, ang bango naman ng pangalan niya globally.

The post Cherie Gil suportado si Ellen DeGeneres kontra Brunei appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *